(Ang sipi sa ibaba ay hiniram sa blog ni Cenon Bibe sa Tumbukin Natin)
POST ni Catholic Defender:
Hindi ba't lahat ng mga tanong nila (INC) ay ilang beses ng NASAGOT. Sa katunayan ang dami-daming CATHOLIC WEBSITES kung talagang GUSTO NILA NG SAGOT. Yun nga lang mas gusto nilang SAGOT galing sa mga MINISTRO nila, di ba?
Ang hirap lang kasi sa mga INC® WALA SILANG OPISYAL NA WEBSITE kaya tayo nagtatalakayan dito.
Tutal gusto niyo rin lang naman ng SAGOT MULA RIN SA INYO kaya pagbibigyan namin kayo. SA AMIN ang tanong SA INYO GALING ANG SAGOT.
TANONG: Ilan ba ang Iglesiang itinatag ni Cristo?
SAGOT: Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!" - PASUGO Mayo 1968, p.7
(MALINAW sa sinabi ng Pasugo na ang iisang tunay na Iglesia ni Cristo ay ang "itinayo ni Cristo" at hindi ang itinayo ng kung sinong tao, tulad ni Felix Manalo. Ang INC ay kailan lang bumangon, partikular noong 1914, na ayon sa Pasugo ay "hindi tunay kundi huwad lamang!")
---------------
TANONG: Saan ba itinatag ang IISANG IGLESIA ni CRISTO?
SAGOT: “Alin ang tunay na Iglesia? Ang Iglesiang itinayo ni Cristo sa Jerusalem." - PASUGO Mayo 1954, p. 9
(Iglesia Katolika lang po ang naitayo sa Herusalem noong 33 AD. Ang iglesia ng INC ay inaamin nilang sa Punta, Sta. Ana, itinayo noon lang July 27, 1914. Katunayan ay ipinagdiwang kailan lang ang ika-97 anibersaryo ng pagkakatatag sa INC.)
---------------
TANONG: May karapatan bang magtatag ang isang tao?
SAGOT: Iisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino-- ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang! Sino mang tao-- maging marunong o mangmang, maging dakila o hamak-- ay walang karapatang magtayo ng Iglesia" - PASUGO Nobyembre 1940, p. 23
(Malinaw pong sinabi ng Pasugo na tanging ang Panginoong Jesu-Cristo lamang ang makapagtatayo ng Iglesiang dapat sa Diyos. Kung tao lang ang nagtayo, iyon ay huwad.)
---------------
TANONG: Eh sino ba ang nagtatag ng Iglesia ni Cristo sa Pilipinas?
SAGOT: Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK." - PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
(Dito ay malinaw nang inaamin ng INC na "si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK," hindi ang Panginoong Hesus. Hindi rin sa Herusalem itinatag ang INC kundi dito sa Pilipinas.)
---------------
TANONG: Kanino bang pag-aari ang Iglesia ni Cristo?
SAGOT: “Kung ang babalingan ng pag-uusapan ay ang nagtatag, dapat na siya ang may-ari ng itinatag, at sa kanya rin manggagaling ang mga aral at turo na ipinatutupad." - PASUGO Hulyo 1952, p. 4
(Ang nagtatag sa Iglesia Katolika sa Herusalem ay ang Panginoong Hesus kaya Siya ang may-ari ng Iglesia Katolika. Inamin ng INC na si Felix Manalo ang nagtatag sa INC dito sa Pilipinas kaya ang INC ay kay Manalo at hindi kay Cristo.)
---------------
TANONG: Pano malalamang aral ng Dios sa aral ng tao?
SAGOT: Kaya't papaano makikilala ang sugo ng Dios at ang hindi sugo ng Dios: Sa aral makikilala ayon kay Jesus. Ang aral ng mga sugo ng Dios ay mula sa Dios, ang mg aral ng hindi sugo ng Dios, ay mula lamang sa kanyang sarili. (Juan 7: 16-18) PASUGO Nobyembre 1960, p. 26
---------------
TANONG: Sa makatuwid kanino bang aral ang nasa Iglesia ni Cristo?
SAGOT: At sino nga ba ang gumagawa ng mga leksiong itinuturo ng mga ministro, maging sa mga pagsamba, mga doktrina o mga Propaganda? Ang Kapatid na Felix Manalo". - PASUGO Mayo 1961, p. 4,
SAGOT: Kaya't sa katuparan ng hula, ang lahat ng mga itinuturo ng mga Ministro ng INK sa mga pagsamba, sa mga doktrina, sa mga pamamahayag sa gitna ng bayan, ay si Kapatid na Felix Manalo lamang ang bumabalangkas at at nagtuturo sa kanila." - PASUGO Mayo 1963, p. 27
(Malinaw po na si Felix Manalo ang gumawa ng mga leksion at aral ng INC, hindi si Kristo.)
---------------
TANONG: Kung PEKE ang mga nagtatayuang mga Iglesia ngayon, alin ang tunay na Iglesiang kay Cristo?
SAGOT: Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo." -PASUGO Abril 1966, p. 46
(Wala na pong duda. Inamin ng Pasugo na ang Iglesia Katolika ang siyang tunay na Iglesia ni Cristo at hindi ang umaangkin lang na INC.)
KAYO ANG MAY SAGOT NIYAN, HINDI KAMI!